Gallery

Apat na Buwan Pa Lang

Apat na buwan pa lang mula nang tayo’y pinag-isa

Sandali pa lang naman pala

Sa pakiramdam ay sobrang tagal na

Apat na buwan na puno nang iyak at tawa

Nasugatan ng malalim pero kinakaya

Masakit man, nagagawa pa rin magsaya

Apat na buwan pa lang, pero tayo’y sinubok na

Parang quota na agad sa sakit at luha

Sobra pa sa iniyak natin sa isang taon na tayo’y mag-jowa

Apat na buwan pa lang na puno nang aral at alaala

Na isusulat ko sa iba’t ibang tula

Upang baunin natin hanggang sa pagtanda

Apat na buwan pa lang sa pangarap nating lima o anim na dekada

Marami pa tayong isasayaw at ikakanta

Hanggang sa daliri mo’y di na kayang mag-gitara

Apat na buwan pa lang tayong mag-asawa

Ang dami na nating malalim na buntong hininga

Buti na lang nasa Diyos ang ating pag-asa

Apat na buwan pa lang tayong nagsisimula

Malayo pa tayo kahit sa gitna

Pagsubok siguro ay marami pa

Apat na buwan pa lang, may habambuhay pa

Wala namang di kakayanin, ‘di ba?

Hanggang kapit natin ang isa’t isa

Apat na buwan pa lang ang lumipas at nawala,

May mga darating na bukas pa

Haharapin natin lahat na magkasama

Apat na buwan pa lang ngayon, Papa

Marami pang buwan at taon na mamahalin kita

Dahil “hanggang wala nang bukas” ang pangako natin sa isa’t isa

and the two will become one flesh. So they are no longer two, but one flesh – Mark 10:8

Advertisements