May oras para sa lahat
Di dapat maatat
Maghintay lang ng tapat
Maaga pa, para magsimula
Maaga pa, wag magmadali
Maaga pa, wag munang masabik
Manalig sa tamang panahon
Di bale munang di pa ngayon
Darating din tayo doon
Maaga pa, diyan ka muna
Maaga pa, dito lang ako
Maaga pa, para magka-“tayo”
Hayaang Diyos ang gumalaw
Sa paglipas ng mga araw
Magkakaroon din ng ako’t ikaw
Kaya sinta, manalig ka
At wag mawalan ng pag-asa
Isiping ngayon ay maaga pa…